top of page

NENA

Kung ang tadhana ay tinalikuran ka na at lahat ng meron ka ay nawala na, makukuha mo pa bang maniwala at magtiwala sa Diyos?

Sa isang lugar sa Bagong Barrio, Caloocan may isang matandang babae pa rin ang patuloy na naniniwala sa Diyos sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanyang kinaharap.

Dati rati ang matandang ito ayon sa kwento ng kanyang mga kabaranggay ay taong masiyahin, palakwento, at masigla. Marami siyang kaibigan sa kanilang lugar. Siya ay pamilyadong tao na may tatlong anak ang panganay na kasama niya hanggang ngayon, ang sumunod ay namatay nang isilang, ang bunso at ikatlo ay nagkaroon ng sakit na naging sanhi ng pagkamatay nito. Dahil nga nasa ibang bansa ang kanyang asawa sila ay nakapagpundar ng bahay sa Caloocan na hanggang ngayon ay tirahan niya. Ayon sa mga kapitbahay niya isa sila noon sa mga maykaya sa buhay. Sila ang pinakaunang nagkaroon ng television sa lugar nila.

Nagsimula ang lahat ng pasakit ng kanyang buhay nang iwan siya ng kanyang asawa. Ang kanyang asawa ay dating panadero sa bansang Guam, ang sustento sakanya ay ipinapadala lamang sa kapatid ng kanyang asawa at iyon ang magdadala nito sakanya. Lumipas ang panahon at nahinto ang sustento sa kanya ng asawa niya dahil hindi na ipinadadala sakanya ng kapitd ng kanyang asawa. Dahil sa nahintong sustento , ang kanyang panganay na anak ay hindi nakatapos ng pagaaral na noon ay nagaaral sa Mapua. Nang magkasakit ang kanyang asawa napilitan itong umuwi sa bahay ng kanyang kapatid at hindi na nagpakita sakanya. Ang kanyang asawa ay mahilig at maraming babae, may panahon nga ring ikinasal ang kanyang asawa sa Guam, nangyari ito dahil ang kanyang biyenan ay kinuhaan sya ng pekeng Death Certificate. Dinaya ng kanyang biyenan ang mga papeles na ipinadala sa Guam para pagmukhain siyang patay upang maikasal muli ang kanyang asawa sa iba.

Upang mabuhay sila ng kanyang anak, siya ay naglako ng isda sa Caloocan. Siya ang nagsilbing taga-sigaw at ang kanyang anak naman ang may bitbit ng banyerang naglalaman ng paninda. Paguwi sa bahay ay didiretso na ito sa simbahan kung saan siya ay naglilingkod. Tuwing walang misa, naglalaba siya ng damit ng pari bilang sideline. Dahil sa katandaan, humina na ang katawan ng matanda at magpasahanggang nagayon ay pakunti-kunti siyang tumatanggap ng labahin upang matustusan ang kanilang bayarin sa bahay.   

Sa paglipas ng panahon, dala narin ng pagod at katadaan siya ay dinapuan ng sakit na naging sanhi ng kanyang paka-stroke. Dahil sa hirap ng buhay, hindi nila nakakayanan bumili ng gamot. Nanghihingi lamang sila sa health center ng kanilang barangay magpasahanggang ngayon. Tuwing martes ang dating ng kanyang gamot sa health center na kanyang dinaraan tuwing umaga pagkagaling sa simbahan.

Ang dati nilang masaya at magandang tahanan at napuno ng kalungkutan. Hindi pa natapos ang problema at ang nagiisa niyang anak na kasakasama ay nagkasakit dahil sa depresyon dala pa noong pagkabata mula ng nawala ang kanilang ama, pumanaw na kapatid at pagkasakit ng ina. Buti na lang ang kanilang tapat bahay ay napapaupahan bilang paradahan ng sasakyan na na pinagkukuhaan nila ng panggastos.

Bilang tao, may kahinaan rin ang matanda, minsan ay naiisip na rin niyang sumuko ngunit ng makausap niya ang pari na noong nagsisilbi sa parokya nila at sinabi sakanyang " Ituloy mo lang ang pagsisilbi mo sa Kanya at hindi ka Niya pababayaan siguro may dahilan siya sa mga nangyari sa iyong buhay" . Ang mga salitang ito ay totoo hanggang ngayon dahil kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng Diyos. Araw araw ay nakakaraos sila, sa mga kaibigan niyang patuloy parin siyang sinuportahan at tinulungan na binibigyan siya ng panggastos at pangkain. Ang dahilan daw ng kanyang buhay ay para sa natitira niya pang anak.

Araw araw pag gising sa umaga ay maglilinis lamang siya ng kaunti didiretso na siya sa kalapit pang chapel na kung saan mayroong rebulto ng Nazareno. Araw araw siyang nagpupunta at nakikinig sa misa nito.

May misa man o wala , araw araw parin siyang nagpupunta ng simbahan upang magdasal at magpasalamat sa Diyos na may panibagong araw nanaman na ibinigay sakanya.

Ito ang Parokya ng Birhen ng Lourdes, mula noon hanggang ngayon ito ang parokyang pinagsisilbihan niya.

Hindi man ganun kaganda ang nangyari sa buhay niya ay kahit kailan hindi naman siya binigo nito para bigyan ng bagong pagasa. Ipinagsasa Diyos niya na lang ang lahat ng nangyari sakanya.

Siya si Saturnina Caberte, Kilala bilang Aling Nena. Nagmahal, Nasaktan, Nanalig at patuloy na Lumalaban. Nawala man ang lahat sa kanya, hindi niya minasama iyon at ginawa pang dahilan para patuloy na mabuhay.

Pinatunayan ni Aling Nena ang kasabihang "Habang may Buhay , May Pagasa" . Hindi dahilan ang kahirapan para mabuhay, si Aling Nena ay naghirap ngunit hindi gumawa ng masama at sa kabaligtaran siya ay gumawa ng mabuti at nag silbi sa Diyos.Hindi man mala-fairy tale ang buhay ni Aling Nena, puno naman ito ng aral na naibahagi niya sa atin.

 

"Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo" -Matthew 6:33. 

IMG_9893

f/5.6

1/125sec

ISO 1600

IMG_9906

f/ 6.3 1/125sec. ISO 3200

IMG_9915

f/ 6.3

1/125sec

 ISO 3200

IMG_9877

f/5.6

1/125sec

 ISO 100

IMG_9869

f/5.6

1/60 sec

SO 3200

IMG_9889

f/5.6

1/125 sec.

ISO 1600

IMG_9920

f/ 6.3

1/125 sec

ISO12800

IMG_9741

f/5.6

1/60 sec

ISO 3200

IMG_9902

f/5.6

1/125 sec

ISO 400

IMG_9939

f/7.1

 1/80 sec

 ISO 400

IMG_9735

f/5.6

 1/60 sec.

 ISO 3200

IMG_9910

f/ 6.3 1/125sec. ISO 3200

IMG_9871

f/5.6

1/60 sec.

 ISO 3200

IMG_9882

f/5.6

 1/125 sec

ISO 1600

IMG_9878

f/5.6

 1/125 sec.

 ISO 1600

bottom of page